Siniguro nina Eric dela Cuesta at Reed Juntilla na hindi na sila matitinag nang kumana ito ng mala-laking sunud-sunod na puntos sa final three mi-nutes ng salpukan para sa matamis na paghihiganti sa Sparks.
Samantala, nagpama-las ng tunay na porma, sinilat ng TeleTech ang higanteng Rain Or Shine, 90-76 at mapanatili ang maliit nilang tsansa sa quarterfinal.
Humakot ng malaking tulong mula kay Ariel Ca-pus, naungusan ng Titans ang Elasto Painters sa halos lahat ng departa-mento para iposte ang kanilang kauna-unahang back-to-back na panalo sa liga.
Gayunpaman, para makasulong ang Titans sa susunod na round, kaila-ngang talunin nila ang Harbour Centre sa susu-nod na linggo ng mahigit 15 puntos at umasang matatalo din ang Port Masters sa kanilang dalawang laban. (DMVILLENA)