Doble panalo inilista ng UST
December 13, 2005 | 12:00am
Inilista ng University of Santo Tomas ang dobleng tagumpay noong Linggo upang pangunahan ang boys at girls divisions ng UAAP Season 68 juniors volleyball competition sa University of the East gym sa Manila.
Tinalo ng UST ang University of the Philippines-Integrated School, 25-20, 25-20, 25-12, para ilista ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa boys division.
Sa girls contest, nanaig din ang UST sa pamamagitan ng 25-22, 25-8, 25-12 panalo laban sa De La Salle-Zobel. Ang UST girls ay wala pang talo sa dalawang asignatura at katabla ang UE sa liderato.
Tinalo naman ng tournament host UE ang UPIS, 25-14, 25-16, 25-14, noong Sabado at iginupo ang Ateneo, 25-23, 25-21, 25-15, noong Linggo sa boys category na may 2-1 win-loss record. Nauna rito, nanaig ang Ateneo DLSZ, 24-26, 25-18, 25-15, 25-18, noong Sabado.
Nagtala naman ng 2-0 ang UE girls sa nakaraang linggo sa pamamagitan ng 25-20, 25-16, 25-5, noong Sabado at 25-18, 25-16, 25-21, noong Linggo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended