RP softball team naka-triple kill

PASIG CITY – Patuloy ang pananalasa ng Philippine softball team at bigyang kasiyahan ang libu-libong dumagsa para manood sa 23rd SEAG softball men/women’s event sa Rosario Sports Complex dito.

Sinimulan ng Blu Girls ang pagpapasaya sa mga kabayayan sa pamamagitan ng 7-0 panalo laban sa Indonesia na sinundan ng paglalampaso ng Blu Boys sa Malaysia, 15-0 sa pinaikling 3 inning game.

Kinumpleto ng Blu Girls ang kanilang dominasyon makaraang hiyain ang Singapore 3-0 sa kanilang ikalawang laro sa araw na iyon.

Binanderahan ni Syrel Ramos ng 3-hiiter ang panalo sa Indons at pinahanga din nina Gina Salvador at designated player Nelia Lara ang kanilang kahusayan sa pitching.

   Pagkatapos ng tagumpay ng Blu Girls, hindi rin nagpahuli ang Blu Boys na pinangunahan ni Roger Rojas ng perfect 3-inning game at pinulbos ang Malaysian pitcher na si Gijen Grtoi ng 7 hits kabilang na ang two-run homerun ni Jasper Cabrera.

 Bunga ng panalong ito, kailangan na lamang ng Blu Boys na talunin ang Indonesia para maangkin at mabawi ang koronang inagaw sa kanila ng Indons noong 1997 SEA Games sa Jakarta.

Makalipas ang dalawang oras na pahinga ng Blu Girls, bumalik ito sa field at kumpletuhin ang triple kill sa pamamagitan ng 3-0 panalo sa Singapore. (LJVillena)

Show comments