^

PSN Palaro

Mailap na panalo sa football natikman ng RP booters

-
BACOLOD – Ibinigay ng Philippine men’s football team ang kanilang pinakamahusay na performance kagabi ng wakasan ang 10-taong tagtuyot sa panalo sa Southeast Asian Games matapos na iposte ang 4-2 tagumpay kontra sa Cambodia na sinaksihan ng punumpunong manonood na umabot sa 20,000 sa Panaad Sports Stadium dito.

Binasag ni Philip Greatwich ang 2-all pagtatabla mula sa assist ni Ali Borromeo sa 82nd minute, bago kumunekta si Emelio Caligdong ng short lob na lumusot sa Cambodian goalie na si Ouk Mic upang iseguro sa RP XI ang panalo na nagpalaki ng kanilang tsansa para sa medalya.

Nakatakdang magpahinga ang Nationals, nakabawi sa 0-1 pagkatalo sa defending champion Thailand, ng apat na araw bago sila sumabak sa pagsungkit ng slot sa semifinals kung saan makakalaban nila ang Malaysians sa Martes sa nasabi ring venue.

Taglay ang inspirasyong ibinigay ng mga manonood kasabay ng pagwagayway ng bandila ng bansa, magaang na winalis ng Nationals ang Cambodian na tuluyan ng napatalsik sa kontensiyon.

"I’m very proud of the boys," wika ni coach Aris Caslib sa kauna-unahang panalo ng RP XI sa Cambodia.

Sa katunayan, ito rin ang unang tagumpay ng Philippines sa SEAG mula ng igupo ng Brunei noong 1995 Chiang Mai Games.

Sa women’s division, hangad naman ng RP Lady booters na makabangon din sa 0-1 pagkatalo laban sa Thailand sa pakikipagharap sa Indonesia sa alas-6:30 ng gabi sa Marikina Sports Complex pagkatapos ng sagupaan ng Thailand at defending women’s champion na Vietnam sa alas-4:00. (Ulat nina Nelson Beltran at Antonieta Lopez)

vuukle comment

ALI BORROMEO

ANTONIETA LOPEZ

ARIS CASLIB

CHIANG MAI GAMES

EMELIO CALIGDONG

MARIKINA SPORTS COMPLEX

NELSON BELTRAN

OUK MIC

PANAAD SPORTS STADIUM

PHILIP GREATWICH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with