^

PSN Palaro

Adducul-Aquino love affair naunsiyami na naman

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Mukhang mauunsyami na naman ang relasyon nina Kris Aquino at Romel Adducul. For a while, medyo uminit ang love affair na ito na mukhang tutuo na dahil minsang naospital si Kris ay nagbantay pa itong si Rommel.

Pero lately, umiigting na rin ang tsismis na pumapasok sa eksena si James Yap.

Balita, nagkaroon daw ng problema si Romel at si Kris dahil nga umalingawngaw naman ang balitang nagkaroon na dapat ng kasalan si Adducul pero naudlot lang dahil nga kay Kris.

Siyempre naman, ayaw ni Kris yan kapag ganyan nga ang sitwasyon.
* * *
Last year eh naisulat ko na rito na si Adducul eh ikakasal na kay Donna Lina, ang dalagitang anak ni Bert Lina, may-ari ng FedEx team. Sabi ko last year, this year ang nakatakdang kasalan.

Bigla nga itong na-abort kaya pala, okay na ring maglabasan ang mga tsismis na sina Romel at Kris nga.

Ako man ay nagulat nung mabasa ko ang relasyon diumano nina Kris at Romel dahil nga sa buong akala ko, ikakasal na si Romel kay Donna.

Yun pala, na abort na ang wedding plans.
* * *
Maiiwan si LA Tenorio sa PBL. Sa Ateneo.

For a while, may mga balitang magpo-pro na si LA.

Sa tingin ko, puwede na sa PBA si LA at maiintindihan na dapat ng mga fans ng Ateneo kung sakaling mag-decide si LA na umakyat na sa PBA this year.

Pero nagbago ang isip niya kaya makikita pa natin si LA sa Ateneo line-up this year.

Mabuti naman.....
* * *
Maganda ang mga PBL games kahapon.

Kaya maraming tao sa coliseum.

Buti pa sa PBL...
* * *
Star-studded naman ang NBL na liga.

Kasali ang team ni Anjo Yllana at players niya sina Paul Alvarez, Richard Gomez at Wendell Ramos.

Tiyak na maraming manonood kapag naglalaro na ang Parañaque Jets.
* * *
Para sa latest showbiz and sports news, text lang kayo ng Napknock On sa 34822 para sa mga Smart and Talk N Text subscribers. Tiyak, nasa cellphone nyo agad ang mga balita.

Nais ko lang ding batiin ang mababait na staff ng PM Insurance dyan sa malapit sa LTO office sa may Laong Laan. Nagbabasa pala sila lagi ng Pilipino Star Ngayon.

At sa lahat ng dj’s and staff ng Love Radio 90.7 fm station, lagi rin silang may PSN copies araw araw sa office nila.

vuukle comment

ADDUCUL

ANJO YLLANA

ATENEO

BERT LINA

CENTER

DONNA LINA

JAMES YAP

ROMEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with