Taulava hindi aatras sa laban

Hindi titigil ang kampo ng kontrobersiyal na player na si Asi Taulava ng Talk N Text hangga’t hindi ito nakakabalik sa paglalaro sa Philippine Basketball Association.

Ito ang pangako ni Atty. Eduardo Francisco, ang abogado ni Taulava na panauhin kahapon kasama ang legal counsel ng Phone Pals na si Atty. Raul Espinosa sa PSA Forum kahapon na lingguhang ginaganap sa Manila Pavilion.

"It is our intension to get Asi to play in the PBA and we will fight till the very end," ani Francisco. "You will see Asi play when he clears his name and when (PBA Commissioner Noli) Eala realizes that he has to abide the law."

Positibo si Francisco na nagsampa ng contempt of court laban sa PBA Chief na makukulong ito kung hindi niya susundin ang kautusan ng Quezon City Regional Trial Court na palaruin si Taulava.

Sinabi naman ni Espinosa na may diperensiya ang kasalukuyang pamunuan ng PBA dahil sa mga problemang bumabalot ngayon sa liga.

"There’s something wrong with his (Eala) leadership. During the time of Atty. Rudy Salud, walang naging problema sa PBA and also during Mr. Jun Bernardino’s time," ani Espinosa. "The commissioner is guilty of wishy washy decision." (Ulat ni CVOchoa)

Show comments