Naisip ko tuloy kung alin ang pinakamalungkot na larangan ng palakasan. Marahil ay boksing na ang isa. Bagamat lahat ng sport ay may kaakibat na sakit ng katawan, kakaiba ang sa boksing, dahil ang punot dulo nito ay masaktan ang iyong kapwa tao. Maaari bang magboksing na di sasakit ang katawan?
Kung ihahambing naman sa mga martial arts, mas madalas kang tamaan sa boksing. May nakapagsabi pang sa 12 round ay maaari kang masuntok ng humigit-kumulang 700 ulit. At, di gaya ng ibang contact sports, uli ang pinupuntirya sa boksing. At sa loob ng ring, walang sasaklolo sa iyo. Nag-iisa ka.
Sa kabilang dako, napakalungkot din naman ang buhay ng isang swimmer. Anim na oras kang nakalubog sa tubig, at natural na wala kang makausap. Unti-unting nasisira ang mata mo sa chlorine (bihira ang manlalangoy na di nagsasalamin), natutuyo ang balat sa tubig, minsan nakakalbo sa mga sangkap na hinahalo sa tubig.
Kahit saan ka mapunta sa mundo, ilang oras kang nakatubog sa tubig. Wala kang marinig, halos walang makita. Malamig, mahirap huminga.
Noong World War ll, nilikha ang isang makinang epektibo sa torture. And tawag ay "sensory deprivation chamber." Nakabitin ka sa ilalim ng tubig, nakatakip ang matat tenga. Makakahinga ka sa pamamagitan ng isang tubo, pero hanggang doon na lang. Wala kang maramdaman, makita, marinig, maamoy o malasahan. Makalipas ang ilang oras, marami ang nasiraan ng ulo.
Ano pa ba ang mas lulungkot pa doon?