^

PSN Palaro

PBL Unity Cup: Happy na rin ang Welcoat

-
Isang kumukutitap na laro ang ipinamalas ni Reed Friar Juntilla upang paningningin ang pag-asa ng defending champion Hapee Toothpaste sa ikalawang finals slot ng PBL Unity Cup.

Nagbuhos si Juntilla ng career-high 21 puntos, sa makinang na 9-of-11 shooting, na siyang naging sandigan ng Teeth Sparklers sa pagposte ng kanilang unang panalo sa semifinals--ang 75-54 demo-lisyon sa Toyota Otis-Letran kahapon sa Pasig Sports Center.

Sinabi rin ni Hapee coach Junel Baculi na sa kabila ng malaking tagumpay na ito na tumapos sa magkasunod na pagkalampasong kanilang natamo sa kamay ng mga nangungunang Viva Mineral Water-FEU at Welcoat Paints noong nakaraang linggo, kailangan pa nilang pag-ibayuhin ang kanilang laro para manatili sa kontensiyon.

Kailangan pa ng Teeth Sparklers (6-7) na walisin ang natitira nilang tatlong asigna-tura upang makapuwersa ng playoff para sa huling finals seat sa bisa ng 4-of-6 incentive rule. Ganito rin ang sitwasyon ng Knights na ang karta ay nahulog sa 5-8.

Sa ikalawang laro, pinatatag naman ng Welcoat Paintmasters ang kanilang kapit sa ikalawang puwesto makaraang pigilan ang 9-game winning streak ng Viva Mineral Water, 81-67. (Ulat ni Ian Brion)

vuukle comment

HAPEE TOOTHPASTE

IAN BRION

JUNEL BACULI

PASIG SPORTS CENTER

REED FRIAR JUNTILLA

TEETH SPARKLERS

TOYOTA OTIS-LETRAN

UNITY CUP

VIVA MINERAL WATER

WELCOAT PAINTMASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with