PBA Fiesta Conference: Express nilasing ng Gin Kings

At nasa kontensiyon na ngang muli ang Barangay Ginebra.

Itinala ng Gin Kings ang kanilang ikalawang sunod na tagumpay sa pamamagitan ng 125-110 demolisyon sa FedEx kahapon sa PBA Gran Matador Fiesta Conference sa PhilSports Arena.

Ang panalo ay ika-5 ng Ginebra sa 12 laro. Ito rin ang dumuplika sa 109-94 paggupo ng Gin Kings sa Alaska noong naka-raang Huwebes na pu-mutol sa naranasan ni-lang anim na sunod na pagkatalo.

Pinaglabanan ng import na si Torraye Braggs ang maagang foul trouble upang makakolekta ng 37 puntos at 14 rebounds, habang sina Eric Menk at Mark Caguioa ay nag-ambag ng 18 at 14 pun-tos, ayon sa pagkakasunod para sa Gin Kings na nanaig din kontra sa Express, 102-93 sa una nilang pagkikita noong Marso 11.

Ang Ginebra ay uma-bante ng 59-43 bago mag-intermisyon at nana-tiling nakaangat sa buong laro. Ang tanging nagawa ng FedEx matapos ito ay ang maibaba ang kala-mangan sa 6, 70-64 sa kalagitnaan ng third period. (Ulat ni IAN BRION)

Show comments