^

PSN Palaro

DE NUMERO

- Bill Velasco -
Napakahalaga ng jersey number ng mga basket-bolista. Bukod sa pagiging tanging paraan para makilala sila, madalas ay may kabuluhan ito sa kanila. Maaari itong tanda ng paghanga, pag-alala, o pagbibi-gay-lakas sa sarili.

Milyun-milyon na ang gumaya kay Michael Jordan at nagsusuot ng numero 23. Pero maging si Jordan ay may idolo rin. Noong maliit pa siya, palagi siyang nilalampaso ng kanyang 5’9" na kuya na si Larry, na may numerong 45. Sa pananaw ni Michael, masaya na siya kung makuha niya ang kalahati ng galing ni Larry. Doon natatak ang 23.

Wala ring pinag-iba sa PBA. Isa lang si Cyrus Baguio ng Red Bull na gustong sumunod sa yapak ni Jordan. Hinahangaan naman ni Mike Hrabak ng Shell si Karl Malone ng Los Angeles Lakers, kaya 32 din ang nakapaskil sa likod niya. Sa Coca-Cola, ginagaya ni Reynel Hugnatan ang estilo ni Kevin Garnett ng Minnesota Timberwolves, number 21. Para kay John Arigo ng Alaska, 31 ang tanda ng mga shooter, tulad ni Reggie Miller ng Indiana Pacers. Ayon kay Ranidel De Ocampo ng FedEx, walang tatalo kay Scottie Pippen ng Chicago Bulls, kaya pareho sila ng uniporme.

Ano pa ba ang iba-ibang dahilan at pinili ng ating mga idolo ang kanilang mga numero?

"Number 11 ako. Pinili ko yun dahil yun ang unang number ng Dad ko noong naglalaro siya," paglalahad ni Willie Miller ng Talk ‘N Text." Simple lang."

Si Nelbert Omolon naman ng Sta. Lucia Realty ay may malalim na lihim sa pagsuot ng 3.

"Para sa akin, makapangyarihan iyon, dahil tatlo ang katauhan ng Diyos. Yun ang dahilan."

Samantala, wala namang feng shui sa pagpili ni Gec Chia ng Coke sa mapalad na numero 8.

"Sabi ng mga tao, suwerte daw. Kaya lang, di ka sigurado na makukuha mo. Pero, pagpasok ko sa Ateneo, di naman sila nagreretiro ng numero. Walang nagsusuot ng 8, kaya nakuha. Nung lumipat ako sa Coke, ganoon din. Suwerte talaga."

"Ang jersey number ko, 88," paliwanag ni Aries Dimaunahan ng Barangay Ginebra. "Kasi, sa PBL, sinusuot ko 8, kasi suwerte daw, sabi ng mga Intsik. Kaya ginawa kong otso-otso para doble ang suwerte." Para naman sa iba, wala na silang maisip.

"Nahirapan talaga ako pumili ng numero," pag-amin ni Yancy De Ocampo ng Talk ‘N Text. "Kaya ang ginawa ko, kombinasyon ng mga letra ng full name ko: Yancy Rosal De Ocampo. 18 letra lahat."

Kanya-kanya talaga.

vuukle comment

ARIES DIMAUNAHAN

BARANGAY GINEBRA

CHICAGO BULLS

CYRUS BAGUIO

GEC CHIA

INDIANA PACERS

JOHN ARIGO

KAYA

N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with