^

PSN Palaro

SMB nadale ng Coke

-
Nakatikim na rin sa wakas ng talo ang San Miguel at ito ay mula sa mga kamay ng kanilang kapatid na kompanyang Coca-Cola Tigers na humugot ng 88-85 panalo kagabi sa pagbabalik aksiyon ng PBA Gran Matador Fiesta Conference sa araw ng Easter Sunday sa Araneta Coliseum.

Hindi hinayaan ng Tigers na masayang ang kanilang masusing paghahanda para sa laban na ito at ang kanilang 16 puntos na kalamangan at gamitan ng mahigpit na depensa ang Beermen sa endgame.

Kontrolado ng Tigers ang laro ngunit naupos ang kanilang 16 puntos na bentahe nang maidikit ng Beermen ang iskor sa isang puntos na lamang dahil sa eksplosibong laro ni import Art Long na tumapos ng may 39 puntos at conference high 30 rebounds.

Ito ang kauna-unahang kabiguan ng San Miguel habang ang panalo ay ikatlong sunod naman ng Coke.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

ART LONG

BEERMEN

COCA-COLA TIGERS

EASTER SUNDAY

GRAN MATADOR FIESTA CONFERENCE

KONTROLADO

NAKATIKIM

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with