MATINDING FRONTLINE
February 2, 2004 | 12:00am
Kahit noon pang naglalaro siya sa Metropolitan Basketball Association, marami na ang nagsasabing si Eddie Laure ay katulad na katulad ni Rey Evangelista. Pareho silang hindi palakibo, parehong hardworking, parehong mahusay dumepensa, parehong kumukuha ng rebounds kahit na undersized sila kumpara sa mga sentro, at pa-rehong may magandang outside shots. Underrated pero effective!
Kumbaga, si Laure ay younger version ni Evangelista.
Noon pa namang isang taon kursunada ng Purefoods Tender Juicy Hotdogs si Laure subalit hindi sila nagkaroon ng pagkakataong kunin ito sa Draft. Sa halip, si Laure ay kinuha ng Shell Velocity bilang third pick sa Draft matapos na mapunta sa Alaska Milk si Mike Cortez at sa Barangay Ginebra si Rommel Adducul. Si Billy Mamaril ang dinampot ng Hotdogs.
Pero gaya ng kasabihan, pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
Sa taong ito, si Laure ay lalaro sa Purefoods matapos na makuha siya ng Hotdogs kapalit ni Mamaril. Sa tutoo lang, kailangan ng Hotdogs si Laure at kailangan ng Shell si Mamaril. Hindi nga bat sentro dapat ang kinuha ng Shell noong isang taon dahil sa doon sila kulang?
So, magkakasama na sina Evangelista at Laure.
Matindi ang magiging rotation ni Purefoods coach Paul Ryan Gregorio. Kasi nga, halos hindi siya mawawalan ng efficiency sa kanyang palitan, e.
Isa pa, nakatitiyak na ngayon ang Purefoods ng magandang future sa posisyong yon. Kasi, hindi na naman bumabata si Evangelista at marami na rin siyang iniinda. Katunayan ay palagi nga siyang nasa injured list. Pero kapag healthy naman si Evangelista ay matindi ang naiaambag niya sa Purefoods. Kaya naman hindi na nagdalawang-isip ang Hotdogs na i-renew ang kanyang kontrata nang mapaso ito noong Disyembre 31.
Tumindi talaga ang firepower ng Purefoods ngayong nasa kanila na si Laure. Kasi nga, wala naman silang nakukuha kay Mamaril.
Kung sabagay, hindi naman ganoon kahaba ang naging playing time ni Mamaril dahil marami siyang kaagaw sa puwesto bilang sentro. Nandoon sina Kerby Raymundo, Andy Seigle, Richard Yee at Chris Cantonjos.
Siguro kung nasa Purefoods pa si Mamaril, mabibigyan na sya ng mahabang playing time dahil sa ipinamigay ng Hotdogs si Seigle sa Ginebra kapalit ni Zandro Limpot. Hind ina rin pinapirma ng kontrata ng Purefoods si Cantonjos bagamat kinuha naman ang rookie na si Ervin Sotto bilang seventh pick sa nakaraang draft.
Pero okay na rin ang frontline ng Hotdogs. Ngayon ay tiyak na lilitaw nang husto ang talent ni Raymundo. Bukod sa natuto na siya kay Alvin Patrimonio ay marami pa siyang matututuhan kay Limpot na makakasama niya sa pagpapatrulya ng shaded area.
At si Laure? Bagamat undersized nga siya, tiyak na matindi ang magiging frontline troika ni coach Paul Ryan Gregorio. Raymundo, Limpot, Laure.
Mahirap nang tibagin yun!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest