Naka-gold na si Goma

HO CHI MINH -- Sa wakas, sa tagal ng panahon ng paghihintay ng matinee idol na si Richard Gomez, nagbunga din ng gintong medalya ang kanyang pagsisikap.

Lubos ang kaligayahan ng 37-anyos na si Gomez at hindi nito mapigil ang madamdaming emosyon makaraang mapagwagian ng Pinoy fencing team ang gold sa epee event ng fencing competition na ginanap sa Au Guay competition hall sa Hanoi.

Bukod sa unang gold niya ito sa SEA Games, lilisanin na niya ang naturang sports na kanyang kasama sa loob ng walong taon na may magandang alaalang iuuwi.

"I’m just so glad I’m retiring with a gold medal," anang guwapong si Goma (tawag sa kanya sa showbiz world) matapos pangunahan ang epee team na binubuo din nina Ave-lino Victorino Jr., Wil-fredo Vizcayno at reserve Almario Vizcayno matapos gapiin ang Thais, 45-32.

Masyadong abala at maraming commitment sa kanyang trabaho bilang artista ang nagpuwersa kay Goma na lisanin ang mahal niyang sports.

Bukod sa pag-aartista, sinabi ng actor na dating film director student sa University of the Philippines na mas maraming bata at potential na fencers na maaring ihubog para sa national team.

"I want to give the younger ones the chance to serve the national team," ani Goma na kasal sa isang commercial model na si Lucy Tor-res at may isang anak na babae

Ngunit nang marinig ang kanyang plano, agad na sinagot ito ni Philippine Olympic Committee president Celso Dayrit na siya ring head ng fencing association, "We won’t allow you. We still need you for 2005." (Ulat ni DMV)

Show comments