Ibuhos ang lahat ng makakaya sa SEA Games - Buhain

Ang kanilang pagsasanay, kagamitan at iba pang pangangailangan para sa Southeast Asian Games ay may nangangalaga na at ang kaila-ngan na lang nila ay gawin ang kanilang dapat gawin bilang atleta.

Hinamon ni Philippines Sports Commission chairman Eric Buhain ang Vietnam-bound RP contingent na harapin ang hamon at umasa ng isang magandang pagtatapos sa biennial meet na nakatakda sa Disyembre.

Ang hamon ay ginawa ni Buhain kahapon sa PSA Sports Forum sa Manila Pavilion kung saan naging panauhin ito kasama si Rod Nepomuceno, project director ng First Gentleman Foundation. Masaya ring inihayag na ang fund-raising program na pinangunahan ni First Gentleman Mike Arroyo para sa kampanya ng bansa sa SEA Games ay umabot na sa P22 million.

"In all honesty, I believe the athletes now realized that what’s happening to them is unprecedented, something which has not happened in the past," diin ni Buhain sa public sports program na suportado ng Red Bull, Agfa Colors at PAGCOR.

"All they (athletes) have to do is to perform."

At bahagi ng pagsisikap na ito ay dahil na rin sa tulong na pinansiyal na sinimulan ng FG Foundation na nagmula sa mga pangunahing korporasyon sa bansa na gaga-mitin ng mga atleta sa kanilang pagsasanay sa ibang bansa.

Nagpahayag ng kasiyahan si Nepomuceno para kay Mr. Arroyo, sa mga kompanyang tumugon sa kanilang panawagan na diretsong dinala sa PSC at hindi sa foundation.

Show comments