^

PSN Palaro

Coach malapit nang ma-tsugi sa team

- Nap Gutierrez -
Narito ang listahan ng mga imports na maaring makita na natin sa darating na third conference: Darren Hancock para sa FedEx, Cris Carrawell para sa Alaska, Nate Johnson para sa San Miguel Beer, Artemus Mclary para sa Coca-Cola, Damian Cantrell para sa Talk and Text, Cedric Webber para sa Shell, Nate James para sa Sta. Lucia, Harold Areceneux, at si Ricky Price para naman sa Ginebra San Miguel.

Dahil puro bagong pangalan yan, inaasahan nating baka mag-create yan ng malaking interest para sa mga basketball fans.

Baka maging pinaka-exciting na conference yan dahil may mga bagong mukha.

Harinawa....
* * *
Hayan na po, palapit na ng palapit ang Round of Four sa NCAA. Ilang laro na lang ang nalalabi para sa mga team na naghahabol na makapasok sa next round. Nabuhayan ang UPHR nung manalo sila laban sa MIT Cardinals nung isang araw. Kapag titingnan mo ang standings, anim na lang ang may pag-asa na makapasok sa Round of Four pero kahit isa sa kanila ay hindi pa nakakatuntong dito dahil kulang pa sila ng isang panalo.

Ang magic number daw kasi ay 8 wins.

Kaya ang anim na may pag-asa pa patungo sa Round of Four ay ang SSC Stags, Letran, San Beda, JRU, MIT Cardinals, at ang UPHR.

Dalawa sa kanila ang matatanggal.

Aba, malapit na ang finals ng NCAA 2003 season....
* * *
Ngayon pa lang, gapangan na ang mga senior teams para sa mga nakikita nilang junior players na maaring maging superstars sa senior division.

Kanya-kanya na silang sulutan at bulungan para sa mga junior players.

Yung mga managers ng ibang schools, kanya-kanya nang lapitan sa mga magulang ng mga magagaling na junior players.

In demand na in demand ngayon ang mga junior players lalo na kung magaling na guwardiya, o shooter, o sentro..

Maniwala kayo't sa hindi, pati mga junior players ay inaalok na rin ng mga meaty offers mula sa mga UAAP at NCAA schools.

Kaya may isang junior team coach na nag-reklamo na yung isa niya raw magaling na player eh laging tulala ngayon at hinid makalaro ng maayos. Nalilito raw kasi sa mga offers na dumarating sa kanya.

Hindi malaman kung alin ang tatanggapin kasi nga, matitindi ang offers.

Nakakaloka!
* * *
Kinakabahan na ang head coach na ito ng isang basketball team.

Nararamdaman na niya, malapit na siyang ma-tsugi.

Wala na ring magagawa ang management ng eskuwela dahil ilang taon din naman siyang pinagbigyan pero wala siyang nagawa.

In short, he's on his way out.

Kaya naman maraming ibang coaches ang aali-aligid ngayon sa may-ari ng eskuwela.

Marami ang nag-aambisyon sa puwesto niya....
* * *
Personal: Prayers for dear friend, Ate Luds (Inday Badiday), na ngayon ay nasa ICU ng St. Luke's Hospital. Readers are enjoined to say a little prayer for her speedy recovery.....

vuukle comment

ARTEMUS MCLARY

ATE LUDS

CEDRIC WEBBER

CENTER

KAYA

PARA

ROUND OF FOUR

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with