^

PSN Palaro

Falcons lumakas ang tsansa

-
Kumawala si Ramil Tagupa sa huling maiinit na bahagi ng sagupaan nang umiskor ito ng 11 puntos upang trangkuhan ang Adamson Falcons sa pagposte ng 85-67 panalo kontra sa National University Bulldogs kaha-pon sa pagpapatuloy ng UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Araneta Coliseum.

Ang panalong ito ng Falcons ang nagpalakas ng kanilang kampanya na makalapit sa Final Four matapos ang kanilang ikalimang panalo sa 10 laro na siya nilang pinakamagandang record na naitala sa nakalipas na 10-taon.

Sa ikalawang seniors, nakisosyo sa liderato ang defending champion Ateneo de Manila University sa Far Eastern University nang igupo ng Blue Eagles ang Tamaraws, 87-63.

Ang Ateneo at FEU ay kapwa humahawak ng 8-2 panalo-talo record.

Sa junior division, pinarisan rin ng Baby Falcons ang tagumpay ng kanilang senior counterpart nang itarak ang ikawalong panalo upang bugbugin ang NU Bull-pups sa iskor na 83-56.(Ulat ni Maribeth Repizo)

vuukle comment

ADAMSON FALCONS

ANG ATENEO

ARANETA COLISEUM

BABY FALCONS

BLUE EAGLES

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

MANILA UNIVERSITY

MARIBETH REPIZO

NATIONAL UNIVERSITY BULLDOGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with