^

PSN Palaro

Pukpukan ang magiging laban ng FEU vs DLSU

- Nap Gutierrez -
"Thanks for your article. Just what I needed during these difficult times."

Yan ang  mensaheng inihatid sa amin ni Commissioner Noli Eala pagkatapos nang isunulat naming sa kolum na ito last Wednesday.

We appreciate the fact that Commissioner Noli took notice of what we wrote.

Ang intension naman namin kahit noon pa eh tulungan ang PBA, in whatever small way, whether we are heard or not, whether they read us or not, whether they will believe in us or not.

Wala kaming pakialam kung may mga taong nasa loob ng PBA na nagtataas ng kilay kapag may sinusulat kaming obserbasyon tungkol sa PBA o kahit patungkol sa mga nakikita o napapanood natin sa tv coverage.

Naniniwala kami na totoo, in difficult times ang PBA ngayon and that Noli’s leadership is put to  a supreme test. Pero tulad din ng dati, maraming beses na ring napasok sa "difficult times"  ang PBA. Sa loob ng lagpas na sa 25 taon, maraming beses na ring na-test ang leadership ng PBA, kahit na noong mga panahon ni Jun Bernardino o ni Leo Prieto o nung iba pang commissioners. Pero lahat yan ay nalagpasan ng PBA.Nalagpasan din yan ng mga Commissioners.

Kaya naman naniniwala ako na sa pamumuno ni Noli, malalag-pasan din yan ng PBA ngayon. Malalagpasan din yan ni Noli.

Sa tulong ng mga sana’y matitino, magagaling, at walang mga vested interests na tao sa paligid niya at sa loob mismo ng PBA.

Dasal namin  ay malagpasan mo yan, Comm. Noli Eala!
* * *
Tiyak na pukpukan at umaatikabong bakbakan yan bukas dahil maghaharap ang FEU Tawaraws at De La Salle  Green Achers sa Araneta Coliseum.

Kailangang manalo ng La Salle pagkatapos nilang matalo sa Ateneo de Manila.

Nakadikit na sa kanila ang University of the East.

Sa tinatakbo ng mga pangyayari, mukhang lumilinaw na ang Final Four cast para sa UAAP--FEU, Ateneo, La Salle at  UE.

Palagay nyo?
* * *
Tatlo na ang leaders sa NCAA. MIT Cardinals, Letran College, San Beda Red Lions.

At nakadikit sa kanila ang SSC Stags at JRU Heavy Bombers.

Mas nahihirapan akong mag-project ng Final Four casting para sa NCAA.

Dahil may pag-asa pa rin mathematically  kahit na yung mga nasa cellar.

Nakikita nyo naman ang mga games sa NCAA-- mahirap mag-predict ng resulta sa mga laro. Araw-araw, may surprises na nangyayari sa games.

ARANETA COLISEUM

ATENEO

COMMISSIONER NOLI

COMMISSIONER NOLI EALA

FINAL FOUR

LA SALLE

NOLI

PBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with