^

PSN Palaro

Ildefonso, Menk una sa listahan ng mga fans

-
Pinangunahan ni Danny Ildefonso ang Governors Selection habang si Eric Menk naman ang namayagpag sa Commissioners Selection sa pagtatapos ng fans voting para sa All-Star Game sa June 1.

Pinakamaraming nakuhang boto si Menk mula sa live audience, internet voting at Text votes na may 20,934 fans votes upang pangunahan ang Group B.

Makakasama nito sa center-forward position ng Commissioners Selection sina Asi Taulava ng Talk 'N Text na may 18,859 boto at Romel Adducul ng Ginebra na may 12,759.

Sa kabuuan, may tatlong Ginebra Players na ibinoto ng fans para sa Group B at dalawang Phone Pals dahil si Mark Caguioa naman ang no. 1 sa guard position sa kanyang 13,221 boto kasunod si Jimmy Alapag na may 12,742 votes.

Kahit di gaanong nakalaro sa kaagahan ng Samsung PBA All-Filipino Cup, ang San Miguel star player na si Ildefonso ay kumuha ng 18,095 boto para sa center forward position mula sa Group A habang kumuha naman ng 20,934 boto ang Ginebra standout na si Menk.

Bukod kay Ildefonso, ang dalawa pang naboto para sa center-forward position ay sina Vergel Meneses ng FedEx at Marlou Aquino ng Sta. Lucia habang nanguna naman sa guard position ang Realtor na si Kenneth Duremdes at John Arigo ng Alaska.

Ang coach ng top team sa kasalukuyang All-Pinoy Cup na si Derrick Pumaren ang magmamando ng Governors Selection habang si Yeng Guiao naman ng Group B no. 1 team ang hahawak ng Commissioners squad.

Ang dalawang coaches ay mamimili ng pito pang players mula sa mga players ng kanilang grupo upang kumpletuhin ang kanilang line-up.

Samantala, sinandalan ng Alaska ang eksplosibong laro ni John Arigo sa final quarter tungo sa kanilang 90-85 panalo kontra sa Purefoods TJ Hotdogs kagabi sa Samsung PBA All-Filipino Cup sa Araneta Coliseum.

Tumapos si Arigo ng 29-puntos, 11 nito ay sa ikaapat na quarter , bukod pa sa kanyang 11 rebounds para tapusin ng Aces ang kanilang elimination assignment sa 9-9 win-loss slate.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Ginebra at Shell para sa kahulihang ticket patungong quarterfinal round. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ALL-FILIPINO CUP

ALL-PINOY CUP

ALL-STAR GAME

ARANETA COLISEUM

ASI TAULAVA

COMMISSIONERS SELECTION

GINEBRA

GOVERNORS SELECTION

GROUP B

JOHN ARIGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with