^

PSN Palaro

Alapag bibinyagan ng Macau

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Alapag bibinyagan ng Macau
Nagbibigay si bagong NLEX head coach Jimmy Alapag ng instruction kay balik-import Dequan Jones.
NLEX photo

Amores lalaro sa titan ultra

MANILA, Philippines — Sisimulan ni legend Jimmy Alapag ang paggiya sa NLEX sa pagsagupa sa guest team Macau sa pagbubukas ng PBA Season 50 Governors’ Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.

Magtutuos ang Road Warriors at Giant Pandas ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang upakan ng Terrafirma Dyip at Titan Ultra Giant Risers sa alas-5:15 ng hapon.

Ang 48-anyos na si Alapag, isang six-time PBA champion point guard na naglaro para sa TNT Tropang 5G at Meralco, ang pumalit kay Jong Uichico bilang head coach ng NLEX.

“Unang-una, I think it just felt like it was the right time,” ani Alapag na naging player development coach ng Sacramento Kings sa NBA at assistant coach sa Stockton Kings sa G League.

“You know, almost six years in the NBA, I’ve had an opportunity to see a lot, to learn a lot, and I know how much it’s allowed me to grow, not just as a husband, as a father, but also as a coach,” dagdag nito.

Sasandigan ni Alapag sina balik-import DeQuan Jones, Robert Bolick, Schonny Winston, Jayvee Mocon at JB Bahio.

Isasalang ng Macau sina Temple University product De’Vondre Perry, Jenning Leung, Damian Chongqui, Ramon Cao at Kobey Lam.

Sa unang laro, ipaparada ng Titan Ultra laban sa Terrafirma ang kontro­bersyal na si John Amores matapos lumagda sa isang one-conference contract.

Nagbabalik sa liga ang 27-anyos na si Amores matapos masuspinde dahil sa pagkakasangkot sa isang shooting incident sa isang larong labas sa Laguna noong 2024.

Nagkaayos na si Amo­res at ang pamilya ng kanyang binaril kasunod ang pagbibigay sa kanya ng clearance ng Games and Amusements Board (GAB) at ang pagbawi ng PBA ng suspensyon sa dating JRU Heavy Bom­bers forward.

NLEX

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with