Meneses, PBA Player of the Week

Sa ikatlong pagkakataon, muli na namang napili si Vergel Meneses bilang Samsung Player of the Week para sa linggong Abril 14-20.

Ang veteran FedEx swingman ang unang three-time winner ng Player of the Week.

"He has really been the guy for us right now," wika ni FedEx coach Derrick Pumaren, na nakakuha ng bonus para sa dalawang araw na bakasyon nitong Holy Week.

Tinalo ng FedEx ang San Miguel sa pamamagitan ng 91-81 panalo kung saan umiskor si Meneses ng 15 sa kanyang tinapos na 24 puntos sa ikatlong quarter. Ngunit hindi lamang sa puntos ito naasahan dahil nakapagbigay din ito ng mahalagang assists na nagbigay daan sa four-point play ni Renren Ritualo na dumiskaril sa San Miguel.

Show comments