Dapat magtulong-tulong
January 28, 2003 | 12:00am
Nagsisimula na naman ang awayan ng mga sports officials. Kailan lang nagpahayag ng disgusto si Philippine Sports Commission chairman Eric Buhain sa pagbubuo ni Philippine Olympic Committee president Celso Dayrit ng mga mamamahala sa pagho-host ng bansa sa 2002 Southeast Asian Games.
Masama raw ang loob ng dating multi-titled swimmer dahil na-bypass ang kanyang ahensiya sa pagbubuo ng POC ng Technical Commission na kinabibilangan nina Steve Hontiveros, Tom Carrasco, Donnie Altura, Julian Camacho at POC sec-gen Romeo Ribaño.
Pero bakit naman kailangang mag-away pa sila?
Di ba puwedeng pag-usapan na lamang ito ng tulad ng isang maginoong pag-uusap? Tutal naman, tayo ang host siguro eh dapat na magtulung-tulungan tayo upang higit na maging matagumpay ang pagtatanghal ng SEA Games dito sa atin.
Pero, teka nga... Saan lugar ba dito sa atin ang venue ng SEA Games?
Hanggang ngayon ay hindi pa malaman kung sa Cebu, Bacolod, Iloilo o Pampanga gagawin ang 2005 SEAG, samantalang ilang kisap lang ng inyong mga mata eh 2005 na.
At bago iyan, siguro mas dapat na mag-concentrate muna ang ating mga sports officials sa paglahok ng bansa sa 2003 Vietnam SEAG para naman mabigyan ng kaukulang atensiyon ang ating mga atletang sasali.
Nakakababa ng moral ang hayagang pag-aaway ng mga sports officials natin, lalung-lalo sa ating mga atleta na sa ngayon ay puspusan ang pag-eensayo para dito.
Sana naman itayo na ng mga sports officials ang imahe ng sports sa ating bansa.
Tama na ang awayan. Kahiya-hiya ang nangyayari sa atin dahil imbes na magtulung-tulong tayo para maitaas ang antas ng ating sports eh mismong mga sports officials natin ang nagpapahayag ng kanilang awayan.
Tama na, tigilan na yan, sigaw ni Juan Dela Cruz.
Tama na ang kahihiyang dulot ng mga pag-aaway na yan. Hindi naman makakadagdag sa gintong medalya o kahit man lang sa moral support sa atleta ang away na yan kundi mas nakakaba pa ng kanilang spirit.
Ipakita naman natin ang tunay na kahulugan ng sportsmanship!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended