^

PSN Palaro

Sunkist talsik na rin

-
Isinama ng Cheese Balls-Shark sa pagkakasibak sa kontensiyon ang Sunkist-Pampanga nang kanila itong igupo, 87-70 kahapon sa 2002 PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.

Ang panalo na ikalawa ng Cheese Balls sa 10-laro, ay nagsara ng pinto para sa Juicers sa kani-lang kampanyang makapasok sa semifinals sa pamamagitan ng 4-0 sweep.

Ito rin ang unang panalo ni coach Philip Cezar sa apat na laro sapul nang punan nito ang puwesto.

Pinahirapan ng Sunkist-Pampanga ang Cheese Balls-Shark nang sila ay lumamang pa sa 34-33 sa huling bahagi ng ikalawang quarter ngunit kumulapso sa final half.

Umiskor si Nelbert Omolon ng crucial baskets na nagdala sa Cheese Balls-Shark sa 15-puntos na pangunguna, 58-43, 3:07 ang natitira sa ikatlong canto.

Nakalapit ang Juicers sa 57-65, dalawang minuto pa lamang ang nakakalipas sa fourth quarter ngunit nagtulong sina Warren Ybañez at Stephen Padilla sa 11-2 blast para ipundar ang 76-59 kalamangan ng Cheese Balls-Shark, 4:28 na lamang ang oras sa laro.

vuukle comment

CHALLENGE CUP

CHEESE BALLS

CHEESE BALLS-SHARK

ISINAMA

MAKATI COLISEUM

NELBERT OMOLON

PHILIP CEZAR

STEPHEN PADILLA

SUNKIST-PAMPANGA

WARREN YBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with