DLSU cager namatay habang nag-eensayo

Namatay habang nag-eensayo sa kanyang team si Migz Gozum ng De La Salle Archers.

Ang 21 anyos na Marketing management student ng DLSU ay kabilang sa Team A ng Green Archers sa UAAP noong nakaraang taon at kasalukuyang nasa Team B nang maganap ang insidente.

Nag-eensayo ang Team A at B nang biglang matumba ito at tumama ang ulo sa sahig na agad na isinugod sa Manila Santarium Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Show comments