Pag-asa ng Letran buhay pa

Nagtrabaho ng husto ang Letran sa depensa nang pigilan ang Perpetual Help- Rizal, 70-64, at manatiling buhay ang pag-asa sa NCAA Final Four sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.

Naglatag ng mahigpit na depensa ang Knights sa Altas sa huling dala-wang minuto ng bakbakan, at limitahan lamang sila sa tatlong foul shots, at kaila-ngang ma-sweep ang huling tatlong laro upang makuha ang huling upuan sa semifinal round.

Bagamat nakalugmok sa 6-6 win-loss baraha, napanatili naman ng Jose Rizal University ang kapit sa ikaapat na puwesto sa kanilang 7-4 record. Kailangan na lamang ng isang panalo sa kanilang huling tatlong asignatura upang makasama ang San Sebastian Stags, St. Benilde Blazers at PCU Dolphins sa Final Four.

Nilasap naman ng UPHR ang kanilang ika-11th kabiguan kontra sa nag-iisang panalo.

Maganda ang naging pagbabalik ni Amiel Syhongpan na hindi naka-laro dahil sa pagkakaroon ng typhoid fever nang trangkuhan nito ang ikaapat na quarter.

Si Syhongpan ay nagtala ng 12 puntos kasunod ni Boyet Bautista na may 18 puntos na siyang namuno sa opensa ng Knights

Show comments