Nakalubog sa 21-puntos, 62-41, sa third canto, bumalikwas ang Eagles sa tikas ni Peter June Simon upang pasimulan ang eksplosibong atake na naging daan upang agawin ang trangko at ihatid ang Eagles sa kanilang ikatlong pa nalo matapos ang limang asignatura.
Humakot si Simon ng 11 sa kanyang team-high 19 puntos sa final canto na sinuportahan ni Cid White at Glenn Peter Yap at rookies Billy Mamaril at Jon Dan Salvador upang ipalasap sa Stars ang kanilang ikatlong sunod na kabiguan.
Ang panalo ng Eagles ang siyang bumigo sa debut ni Fil-Am Chris Guinto.