Ang mga umakyat sa finals sa womens division ay ang Letran College, St. Jude College, Adamson at Mapua habang bukod sa FEU , umusad din ang Central Colleges of the Philippines, PATTS at Mapua.
Makakasama nila ang top 4 mula naman sa Luz-Viz-Min eliminations na gaganapin sa Abril 13-14.
Tinalo ng FEU Spikers ang UST sa quarterfinals, 21-16 upang makarating sa finals at pagkatapos ay iginupo ang RTU, 21-17 para isiguro ang kanilang team sa finals.
Ginapi naman ng Letran belles ang team ng aktres na si Isabel Gra-nada, 21-11 at pagkatapos ay sinibak ang RTU para sa kanilang puwesto.