At para kay coach Norman Black, malaking bagay ang kanilang mahusay na depensa tungo sa kanilang ikaapat na panalo sa walong pakikipaglaban na nag-bunga ng five-way-tie sa 4-4 record.
"We probably played our best defense in this conference," pahayag ni coach Norman Black ng Sta. Lucia na nagpalasap ng ikaapat na talo sa Aces matapos ang walong pakikipaglaban.
Kasama ng Sta. Lucia at Alaska sa 4-4 record ang pahinga ngayong San Miguel Beer, RP Team-Hapee at FedEx Express sa likod ng Purefoods TJ Hotdogs (7-1) at Talk N Text Phone Pals (6-1) na pareho nang nakasisiguro sa susunod na round, kasunod ang Batang Red Bull (5-2) at Coca-Cola Tigers (5-3).
Diniskaril ng Realtors ang debut game ni James Head na pumalit kay Muntrell Dobbins ngunit maganda ang kanyang naging performance sa kanyang unang salang makaraang magsumite ng 24 puntos.
Pinangunahan ni import Victor Thomas ang Sta. Lucia sa kanyang tinapos na 33-puntos habang nagposte naman si Mark Davis ng 14 markers.
Mainit ang simula ni Thomas ng kumayod ito ng 13 puntos sa unang canto at nagbida sa 12-2 run na naghatid sa Sta. Lucia sa 23-13 kala-mangan sa pagtatapos ng naturang yugto.
Umabante ang Realtors ng 12 puntos matapos ang basket ni Falca-santos sa bungad ng ikalawang quarter ngunit sa pagkakataong ito si Riley naman ang kumamada para sa Alaska at makalapit ng apat na puntos ang Aces.
Ang una ay sa 27-31 matapos na pangunahan ni Riley ang mainit na 10-2 run at makaraang muling lumayo ang Sta. Lucia, muli na namang dumikit ang Alaska sa 33-37 matapos ang back-to-back basket ni Riley. (Ulat ni Carmela Ochoa)