^

PSN Palaro

Shell hiniya ng FedEx

-
Ibayong lakas ang hatid ng bagong saltang import na si Tim Moore para sa Federal Express na nakatikim ng kanilang kauna-unahang panalo matapos ang 70-64 tagumpay kontra sa Shell Velocity sa pagpapatuloy ng eliminations ng PBA-Samsung Governors Cup na dumako sa Cuneta Astrodome kagabi.

Pinagbidahan nina import Jermaine Walker, Yancy de Ocampo at Paul Alvarez ang mainit na 18-6 run na sinimulan ni Moore upang iposte ang 70-62 kalamangan, 11.3 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.

Tumapos si Moore na pumalit sa di impresibong si Rhoderick Rhodes ng 15-puntos, 11 nito ay sa ikalawang quarter sa likod ng 17-puntos ni Walker at 14-puntos ni Alvarez para sa Express na nakabangon mula sa kanilang dalawang sunod na kabiguan.

Bagamat tumapos lamang ng 6-puntos si De Ocampo, naging susi sa panalo ng FedEx ang kanyang triple bago tumuntong ang laro sa huling dalawang minuto na nagbigay sa Express ng 64-62 kalamangan matapos hawakan ng Turbo Chargers ang trangko sa 62-61 mula sa triple ni import Askia Jones.

Ang basket ni Pumaren at ang back-to-back basket ni Alvarez ang tuluyang nagselyo ng tagumpay ng FedEx at naging dahilan ng ikalawang sunod na pagkatalo ng Shell sa tatlong pakikipaglaban.

Nagtapos si Jones na may 23-puntos kasunod ni Derrick Grimm na may 12-puntos para sa Shell na nauwi sa wala bunga ng kanilang pagkatalo.

Samantala, ikatlong sunod na panalo ang puntirya ng Purefoods TJ Hotdogs, Batang Red Bull at Alaska Aces sa pagpapatuloy ng aksiyon sa PhilSports Arena.

Maghihiwalay ang landas ng Purefoods at Alaska sa pagtatapos ng kanilang engkuwentro sa ganap na alas-4:00 ng hapon na agad namang susundan ng duelo ng Red Bull kontra sa RP Team-Selecta sa ikalawang laro sa dakong alas-6:00 ng gabi bilang main game.

vuukle comment

ALASKA ACES

ALVAREZ

ASKIA JONES

BATANG RED BULL

CUNETA ASTRODOME

DE OCAMPO

DERRICK GRIMM

FEDERAL EXPRESS

JERMAINE WALKER

PAUL ALVAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with