^

PSN Palaro

Negros vs Cebu sa kampeonato ng Southern Conference

-
Pag-aagawan ng Negros Slashers at Cebuana Lhuillier ang MBA Second Phase Southern Conference title ngayon sa kanilang nakatakdang Game Five ng kanilang title series sa University of St. La Salle Gym sa Bacolod City.

Dahil sa dalawang araw na bakasyon sanhi ng bagyong Quedan, inaasahang kundisyon ang Slashers, gayundin ang Gems kung kaya’t siguradong magiging mahigpit ang kanilang labanan.

Bagamat tabla sa serye, 2-2, nasa panig ng Slashers ang bentahe dahil sa kanilang homecourt gagawin ang laban sa alas-5 ng hapong sultada.

Ngunit hindi natitigatig ang Gems at tiyak na di rin sila pahuhuli sa Slashers dahil matindi ang kanilang determinasyon na maiuwi ang korona kung saan sa Game One ay kanilang tinalo ang Negros sa mismong balwarte nila.

Ang mananalo sa pagitan ng Negros at Cebuana ang siyang haharap sa finalist ng Batangas Blades sa best-of-five national finals.

Pinatalsik ng Blades ang San Juan Knights, 88-83 noong Miyerkules upang makopo ang Northern Conference crown sa Game Four sa 3-1.

vuukle comment

BACOLOD CITY

BATANGAS BLADES

CEBUANA LHUILLIER

GAME FIVE

GAME FOUR

GAME ONE

NEGROS SLASHERS

NORTHERN CONFERENCE

SAN JUAN KNIGHTS

SECOND PHASE SOUTHERN CONFERENCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with