Ginebra vs Shell sa 3rd games ng PBA All-Filipino Cup
April 29, 2001 | 12:00am
Taglay na ng Barangay Ginebra ang pinakamalapit na oportunidad para makapasok sa finals ng PBA All-Filipino Cup at ito ay tiyak na determinadong sunggaban ngayon ng tropa ni coach Allan Caidic.
Haharaping muli ngayon ng Gin Kings ang Shell Velocity sa Game Three ng kanilang semifinal series sa ikalawang laro, dakong alas-6:30 ng gabi sa Araneta Coliseum.
Ang tagumpay ng Gin Kings ang pormal na magluluklok sa Ginebra sa best-of-seven championship series.
Hawak ngayon ng Ginebra ang 2-0 bentahe sa kanilang best-of-five semis series matapos ang 74-72 panalo sa Game Two kamakalawa kasunod ng kanilang 90-78 pamamayani sa pagbubukas ng serye.
Aasahan ni Caidic ang kanyang mga beteranong sina Vergel Meneses, Jun Limpot at Bal David na naging susi sa kanilang nakaraang tagumpay lalo na ang rookie na si Mark Caguioa na umiskor ng kanilang winning basket patungong huling 5.3 segundo ng labanan.
Mauuna rito, magsasagupa ring muli ang San Miguel Beer at Pop Cola Panthers sa Game Three ng kanilang sariling best-of-five serye sa ganap na alas-4:15 ng hapon bilang pambungad na laban.
Tabla sa 1-1 panalo-talo ang SMBeer at Pop Cola kaya’t nakataya sa engkuwentrong ito ang bentaheng 2-1 sa serye.
Nakabawi ang San Miguel sa kanilang 64-73 pagkatalo sa pagbubukas ng serye noong Linggo sa pamamagitan ng impresibong 81-66 tagumpay sa Game Two noong Miyerkules.
Obligado ang Shell na i-sweep ang huling tatlong laro sa kanilang serye kaya’t higit sa 100% paglalaro ang inaasahan mula kina Benjie Paras, Rob Wainwright, Dale Singson, rookie Mike Hra-bak, Cris Jackson, Gerry Esplana kasama ang iba pa upang mapigilan ang Ginebra.
Walang iba kundi ang tambalang Danny Seigle at Danny Ildefonso ang muling sasandalan ng Beermen katulong sina Olsen Racela, Boybits Victoria, Nick Belasco, Dorian Peña, Freddie Abuda at Robert Duat.(Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended