^

PSN Palaro

UST nagparamdam agad sa SJNI

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
UST nagparamdam agad sa SJNI
Lusot sa depensa nina Arah Suizo at Faith Suico ng Arellano ang kill ni Akishia Tuballa ng UST.
SGVL

MANILA, Philippines — Ipinaramdam agad ng University of Santo Tomas ang kanilang lakas matapos ang walang kahirap-hirap na paggupo sa Arellano University High School, 25-16, 25-12, sa simula ng 2026 Shakey’s Juniors National Invitationals na nilaro sa Playtime FilOil Arena sa San Juan kahapon.

Nasilayan ng Filipino volleyball fans ang tikas ni setter Andreaj Tan Chun Bing upang akbayan ang Junior Tigresses sa panalo kontra Lady Braves sa loob lamang ng 54 minuto.

Tumikada ang reigning Shakey’s Girls Volleyball Invitational League (SGVIL) Rising Stars Cup Division 1 Best Setter ng 11 excellent sets para sa UST at nairehistro ang 26 attack points sa kanyang impresibong debut sa inaugural international tournament.

Nagtala rin si Tan Chun Bing ng three points lahat ay galing sa service line sa event na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, at R and B Milk Tea.

Halos lahat ng veterans ay nawala na sa Junior Tigresses, hindi ito naging dahilan upang panghinaan sila ng loob at mas lalong nagpursige upang dominahin ang Arellano.

Sa simula pa lang ay kontrolado na ng UST ang laban kung saan lumayo agad sila ng double-digit sa tournament na katuwang ang Jetour, Baic, Eurotel, Victory Liner Rent & Go, F2 Logistics, Summit Natural Drinking Water, PusoP.com at Smart Sports.

Samantala, nakitaan din ng galing ang Guam-based Pacific Volleyball Academy nang payukuin ang Pusong Azul, 25-23, 17-25, 15-7.

Dikit ang laban sa ka­agahan ng third set kung saan ay naghabol ang guest team ng isang puntos, 5-6 pero pumalo sila ng 10-1 run para tapusin nila ang laban sa isang oras at 22 minuto.

SHAKEYS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with