6th grader, kampeon sa Active Open Chessfest

Inuwi ni Joel "Cholo" Banawa, sixth grader ng San Beda, ang unang karangalan noong Miyerkules sa ikatlong edisyon ng Summer Kiddies (Under-14) Active Open na ginanap sa Grandmasters Cafe sa Quezon City.

Pinatunayan ng U-14 championship finalist na si Banawa ang galing sa unang yugto ng kompetisyon noong Abril 16 nang itumba nito ang kanyang mga kalaban sa unang limang rounds maliban sa final game kung saan nakipagkasundo siya kay Julius Joseph de Ramos para sa isang draw.

Samantala, ang fourth edition ng U-14 ay gaganapin sa Lunes, Abril 30 habang ang ikatlo at huling yugto ng U-20 ay sa Abril 27, 30.

Show comments