Barbosa, sinolo ang liderato sa 2nd edition ng Juniors Active Open

Nagpamalas ang ASEAN Under-16 Champion Oliver Barbosa ng impresibong performance upang kunin ang solong pamumuno sa 2nd edition ng Juniors Active Open sa Grandmasters’ Cafe sa Quezon City noong nakaraang linggo.

Pinatumba ng batambatang Board 1 player mula sa Letran high school ang limang chess players samantalang nakipagkasundo naman para sa isang draw sa kanyang huling kalaban na si Arnel Aton. Samantalang patuloy ang paghahanda ni Barbosa sa darating na Juniors Active Finals sa Mayo 11.

Tumanggap naman ng top honors sina Sherily Cua at Bolico, Von Barbosa at Catherine Perena, Kathryn Ann Cruz at Carl Espallardo para sa U-15, U-17, at U-19 (boys and girl) ayon sa pagkakasunod-sunod.

Patuloy pa rin ang pagpaparehistro para sa huling dalawang yugto ng Juniors hanggang Abril 27, 28 at sa Kiddies hanggang Abril 25, 30.

Show comments