Air Force team nananalasa sa AFP-PNP Olympics

Ipinagpatuloy ng Air Force team ang kanilang kampanya para sa kampeonato ng AFP-PNP Olympics nang humakot ito ng 8 ginto sa mahigpitang kompetisyon ng football, lawn tennis, voleyball para sa men at women’s division, tug of war, wrestling, basketball at bowling.

Nagbulsa rin ang Airmen ng 7 silver at 8 bronze medal sa iba pang Olympics event na naging daan upang mapahigpit ang kanilang kampanya para sa korona.

At sa tatlong araw na nalalabi, tangka pa ng Airmen na makuha ang ginto sa table tennis at sepak takraw.

Show comments