Benedix, Omar at Angela, tuloy ang passion sa stage

Naging daan ang teatro para sa mga batang performers tulad nina Benedix Ramos, Omar Uddin at Angela Ken na para mas lalo pang mahubog ang kanilang talento sa entablado.
Para kay Omar, ang maging bahagi ng The Notebook: The Musical ang susi para mas pag-isipan pa ang mga role na gusto niyang kunin sa hinaharap. Nang tanungin tungkol sa kanyang dream roles at mga artistang nais niyang makatrabaho, ibinahagi niyang gusto niyang subukang gampanan ang character ni Old Noah.
“Ngayong nasa Notebook na ako, I would want to play middle Noah or older Noah, give me like 20-30 years,” bahagi ni Omar.
Para naman kay Benedix, importanteng bigyan ng halaga, maging open at present sa paghahanda para sa isang theater role.
“In order for you to prepare yourself, you have to be open talaga eh. You don’t really have to stick to what you have written in your notes, what you have rehearsed. It’s the surprise on stage that you allow in order for you to feel the ground, to feel the moment,” paliwanag ni Benedix.
Dahil sa kapana-panabik na performances at timeless love story, patuloy na hinahangaan ng mga theatergoer ang The Notebook: the Musical na may kaunting show dates na lang ang natitira. Mapapanood sina Benedix Ramos at Omar Uddin kasama si Sheena Belarmino na bigyang-buhay ang kanilang mga karakter hanggang Sept. 20 sa Samusung Performing Arts Theater sa Circuit Makati.
Ang koneksyon naman sa audience ang isa sa mga dahilan kung bakit nagiging meaningful kay Angela Ken ang mag-perform on stage. Para sa kanya, mahalaga na makita ang reaksyon ng mga manonood nang real-time.
“That fulfills my heart kasi ‘yun po ‘yung purpose ng ginagawa ko is for them to know na they are not alone and at the same time we are here for a reason. Our voices are instruments for those people na hindi naririnig ‘yung boses nila,” pagbabahagi ni Angela.
Abangan ang first solo concert ni Angela Ken sa Oct. 18, 2026, 7 p.m., sa New Frontier Theater. Sa concert na ito, mas maipapakita ni Angela ang kanyang artistry bilang singer at performer.
Sa pamamagitan ng kani-kanilang mga karanasan sa stage, mas pinapakita nina Benedix, Omar at Angela ang kanilang personal growth at meaningful connection sa kanilang audience.
- Latest





















