^

PSN Palaro

Semis hahataw na!

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Semis hahataw na!
Sisi Rondina at Jema Galanza

Choco Mucho vs Creamline; Chery Tiggo kontra Petro Gazz

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang taon na pagiging top seed ay maglalaro ang nagdedepensang Creamline bilang No. 4 team sa single-round robin semifinals ng 2024 Premier Volleyball League All-Filipino Confe­rence.

Sasagupain ng Cool Smashers ang No. 2 Choco Mucho Flying Titans ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang banatan ng No. 1 Petro Gazz Angels  at No. 3 Chery Tiggo Crossovers sa alas-6 ng gabi sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nakuha ng Petro Gazz ang top spot sa Final Four sa kanilang 9-2 record bitbit ang 28 points kasunod ang Choco Mucho (9-2), Chery Tiggo (9-2) at Creamline (8-3) na may 26, 25 at 24 points, ayon sa pagkakasunod.

Pinaluhod ng seven-time league champion Cool Smashers ang Flying Titans, 25-15, 25-22, 25-19, sa una nilang pagkikita noong Abril 18.

Nagmula ang Creamline sa 25-22, 14-25, 22-25, 25-27 kabiguan sa PLDT sa huli nilang laro sa eliminasyon habang umiskor ang Choco Mucho ng 25-15, 24-26, 21-25, 25-21, 15-12 panalo sa Farm Fresh.

Ang nasabing panalo sa Foxies ang nagtakda sa Flying Titans sa kanilang pagharap muli sa Cool Smashers.

“Talagang binigyan na kami ng test talaga para pagdating namin ng semifinals, talagang ma-maximize namin ‘yung ginagawa namin,” ani Choco Mucho coach Dante Alinsunurin sa Creamline.

Maglalaro ang Cool Smashers na wala si Tots Carlos na sasalang sa 2024 Korean V-League (KOVO) Women’s Asian Quarter Tryouts sa Abril 29 hanggang Mayo 1 kasama si Mylene Paat ng Chery Tiggo.

Sa ikalawang laro, mu­ling ibabandera ng Gazz Angels si Fil-Am MJ Phillips sa pagsagupa sa mainit na Crossovers.

Umiskor si Phillips, nag­laro sa Korean league, ng 11 points sa 22-25, 25-23, 25-23, 25-22 pagtakas ng Petro Gazz sa Nxled noong Sabado.

Kumpara kina Carlos at Paat ay hindi na kailangan ni Phillips na sumabak sa KOVO tryouts

“For the players that already played in the KOVO, we don’t need to go attend to the tryouts. So only the players that are newco­mers, so I’ll still be here,” paliwanag ni Phillips.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with