Herro sinapak ni Adebayo
LAS VEGAS - Sinapak ni Miami Heat center Bam Adebayo ang dati niyang teammate na si Tyler Herro sa kanilang pagkikita kahapon dito sa isang Las Vegas hotel.
Nangyari ang insidente sa isang practice court kung saan nilapitan ni Adebayo si Herro tungkol sa ginawang komento sa kanya ng huli sa social media.
“We are aware and not commenting,” pahayag ng Heat sa nasabing insidente.
Nakuha ng Miami si Giannis Antetokounmpo mula sa Milwaukee Bucks sa isang blockbuster deal kasama si Herro.
Sa kanyang Instagram direct message sa isang Miami fan ay kinuwestiyon ni Herro ang pagiging lider ni Adebayo sa Heat.
Humakot ang 28-anyos na si Adebayo ng mga averages na 20.1 points, 10 rebounds, 3.2 assists at 1.2 steals sa kampanya ng Heat sa nakaraang season.
Tampok dito ang iniskor niyang franchise-record 83 points laban sa Washington Wizards noong Marso para tabunan ang 81 markers ni Kobe Bryant para sa second-most points sa isang laro sa NBA history.
Samantala, lumagda si 7-foot-4 Victor Wembanyama sa isang five-year, $252 million maximum rookie-scale contract extension para manatili sa San Antonio Spurs.
“Spurs family, I’m here to stay,” sabi ni Wembanyama sa social media post. “Whatever it takes.”
- Latest






















