^

PSN Palaro

Last na, promise!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

May sa-pusa yata itong si John Amores – siyam ang buhay.

Kaya eto na naman siya at binigyan ng second chance makalaro sa PBA para sa Titan Ultra.

Makulay ang career ni Amores dahil sa mga gulong kinasangkutan niya mula nung nasa Jose Rizal University.

Dalawang beses napaaway at dehins basta away. Isa kontra UP at against St. Benilde sa NCAA nung 2022, nag-amok si John.

Viral.

Then nagkaroon ng chance maglaro sa MPBL bago kinuha ng NorthPort sa PBA.

Kaso, nasangkot naman sa isang shooting incident sa Laguna nung 2024 at dun na siya binawian ng license ng Games and Amusements Board.

Tinawag siyang “John Wick” ng netizens.

Akala ng lahat, the end na ang playing career ng pamilyadong bata. Pero nagsikap sa rehabilitation. Nag serve sa community. Nag-undergo ng psychological reforms.

Kaya after two years, binalik ng GAB ang playing license niya at eto siya ngayon – balik PBA.

Nagbago na raw siya at dehins sasayangin ang chance. ‘Yan ang promise niya.

Dapat lang. Dahil last na last na ito.

AMORES

JOHN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with