Letran sumosyo sa 2nd spot
MANILA, Philippines — Sumalo sa two-way tie sa second spot sa team standings ang Letran matapos tuhugin ang 29-27, 20-25, 23-25, 25-23, 15-13 mahirap na panalo kontra San Beda University sa NCAA Season 99 women’s volleyball tournament na nilaro sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan kahapon.
Umiskor si rookie sensation Gia Maquilang ng double double na 24 points mula sa 20 attacks, tatlong service ace at isang block kasama ang 11 excellent digs upang tulungan ang Lady Knights na ilista ang 6-2 karta at saluhan ang kapwa taga Intramuros na Lyceum of the Philippines.
Matapos maka-una ng isang set ay sumadsad ang Lady Knights sa second at third frames para makalamang ang Lady Red Spikers, 1-2 at mamuro sa pagsilo ng panalo.
Pero naging matatag ang Letran, sinikap na makuha ang panalo sa set 4 upang makahirit ng deciding fifth set.
- Latest