Aktres, nabudol ng bf
Tameme na sa pagchika ang isang aktres na bumibida na rin sa TV at pelikula. Maraming nagulat na ibalita ni aktres na may nanliligaw na sa kanya.
Marami siyempre ang natuwa dahil sa malapit sa aktres, nakikita nilang hindi siya ligawin!
Then one time, buong ningning niyang ipinagmalaki ang manliligaw niya na inakala ng lahat na mauuwi sa relasyon.
Eh may nangyaring hindi maganda na nabahiran ng hindi maganda ang image ng aktres! Nangyari pa naman ito sa importanteng okasyon ng buhay niya.
Nabalitang dinispatsa na ni aktres ang lalaki. Kaya naman sa interviews ng aktres, wala nang bahid ng lovelife ang pahayag niya at tanging career na lang ang focus niya!
Wilbert, swerte
Kainggit naman ang milestones this 2026 ng singer-actor na si Wilbert Ross.
Matapos ang una niyang concert, heto at tagumpay ang una niyang sabak sa pelikula para sa Thai comedy hit adaptation na Pee Mak.
Matapos ang isang linggong showing, tumabo na ito ng P40 million , huh! At tuloy pa rin ang showing nito.
Of course, credit din sa success ng movie ang partnership nila ni Bea Binene pati na ang co-stars niya at director na si Victor Villanueva.
Ang inaabangan ngayon kay Wilbert ay ang pag-uwi niya sa hometown niyang Davao City para sa one-night concert niya sa Davao Convention Center.
Fan club ni Donny, apektado na
Pumalag ang official fan group ng actor na si Donny Pangilinan dahil sa isang pahayag ng It’s Showtime Baby Doll Juby sa guesting ng grupo sa Gandang Gabi Vice.
Pumalag ang fans niya dahil sa “sexualized nature of the remarks and their implications for his dignity and respect.”
“Our position is clear: we do not support na sexualization of Donny or of any individual.
“We ask the public to approach this matter responsibly and to recognize that respect for personal dignity should never be overlooked for the sake of entetainment,” dagdag pa ng Donators Philippines.
Anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan si Donny na kapwa Christians.
Naku, hindi kataka-takang may mga babaeng nagpapantasya kay Donny, huh!
- Latest























