^

Pang Movies

Jennylyn, may ghost writer sa mga matatapang na post?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nag-post lang si Dingdong Dantes congratulating GMA Network at ang Team ng Descendants of the Sun dahil sa pagkakapanalo ng Descendants of the Sun PH ng Most Popular Fo­reign Drama of the Year sa 15th Seoul International Drama Awards.

Post ni Dingdong: “A proud member of Team DOTS here! Congratulations to the men and women behind the show!”

Ang daming nag-congratulate kay Dingdong at sa cast ng DOTSPH, pero may nag-comment na sinira ni Jennylyn Mercado ang show. Nega raw kasi si Jennylyn sa socmed ngayon dahil sa mga comment sa isyu sa gobyerno sa pakikipaglaban sa COVID-19.

May dumepensa kay Jennylyn, hindi raw nito sinira ang DOTS dahil hindi si Jennylyn ang nagpo-post ng mga lumalabas sa kanyang Facebook at Twitter accounts na comments at reactions sa Duterte administration. Ang manager daw ni Jennylyn ang nagpo-post ng mga nababasa natin, at hindi si Becky Aguila ang manager na tinukoy ng netizen, kundi ang anak nito na siyang manager ni Jennylyn ngayon.

Sagot ng netizen na nag-akusa kay Jennylyn, kung talagang hindi si Jennylyn ang nagpo-post ng mga comment, dapat mag-release ng official statement si Jennylyn to clear her name dahil nasisira siya at marami na ang nagagalit sa kanya.

Totoo ba ito? May mga nabasa na rin kaming ganitong isyu na hindi talaga si Jennylyn ang nagpo-post ng mga nababasa nating comments at mga pahayag ni Jennylyn. Dapat makarating kay Jennylyn at sa manager nito ang ganitong isyu para kanyang malinaw.

Speaking of DOTS, sa magandang balitang ito at sa pananalo ng GMA-7 series, mas mapapaaga nito ang pagre-resume ng taping na hinihintay at pinaghahandaan na ng cast.

Luis at Long, tutulong sa mga naagrabyado, nagrereklamo

Ang announcement ni Luis Manzano na malapit na ang launching ng online show nila ni Long Mejia na may title na Luck’ng Tulong.

Sa teaser ng online show na “Naagrabyado ka ba? Napupundi ka na ba? Pwes- ito ang takbuhan ng mga feeling dehado!

“Reklamo mo sa buhay o sa kapitbahay- may solusyon! Ako at si Long ang aayos dyan. IPADALA ANG REKLAMO SA [email protected]. You’re LUCKY dahil dito may tuLONG! FOLLOW NIYO YUNG LINK SA BIO KO.”

Play ng pangalan nila ni Long ang title ng show at parang hindi pa sinasagot ni Lucky ang tanong ng isang netizen kung mala-radio show ba ni Raffy Tulfo ang concept ng show na kung saan, pumupunta ang mga may reklamo sa buhay at sa iba pang bagay.

Rerun ng serye ni Alden, tinambakan ng commercial

Walang patawad ang ibang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza sa kanilang pagbo-boycott dahil pati ang rerun ng One True Love nina Alden at Louise delos Reyes, kanilang ibinu-boycott.

Ayaw nilang mag-rate ang nasabing rerun ng isa sa mga naunang teleserye ni Alden, as if naman, may impact pa kung magre-rate o hindi ang OTL.

Pero, may ilang fans ang AlDub at fans ni Alden na tumututok pa rin sa OTL, gusto nilang balikan ang mga araw na bata at bago pa lang si Alden at para makita na rin ang pagkakaiba ng acting ni Alden.

May fans naman ang aktor na ngayon lang mapapanood ang OTL kaya excited silang masubaybayan ang teleserye. Wala rin silang pakialam kung si Louise ang kapareha nito na isa sa pinagselosan ng AlDub noo. Gusto nilang malaman kung bakit nasabi ni Alden na isa sa mga favorite projects niya sa GMA-7 ang OTL.

Also, kahit may fans na nag-boycott sa rerun ng OTL, masaya pa rin ang fans ng aktor para sa kanya at para sa GMA-7 na rin dahil ang pilot episode nito ay may 55 ads.

Samantala, waiting na ang fans sa sariling YouTube channel ni Alden at pangako nila, kahit ano ang content nito, magsu-subscribe sila lalo na ngayon na on and off sa Eat Bulaga at sa All-Out Sundays lang nila napapanood ang aktor.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with