^

Probinsiya

2 patay, 6 sugatan sa bumaliktad na trike

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
2 patay, 6 sugatan sa bumaliktad na trike
Namatay agad sa pi­­­nangyarihan ng insi­­dente bunsod ng matin­ding pinsala sa ulo ang mga biktima na sina Lourdes Natividad at Marivic Teppang, 45; kapwa residente ng Brgy. Limbuan sa nasabing bayan.
STAR/File

SANTIAGO CITY, Isabela MANILA, Philippines — Dalawang babae ang nasawi habang anim pa ang sugatan ma­tapos na bumaliktad ang sinasakyan nilang tri­cycle sa bahagi ng Brgy. Limbunan, San Pablo sa lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Namatay agad sa pi­­­nangyarihan ng insi­­dente bunsod ng matin­ding pinsala sa ulo ang mga biktima na sina Lourdes Natividad at Marivic Teppang, 45; kapwa residente ng Brgy. Limbuan sa nasabing bayan.

Ginagamot naman sa Cagayan Valley Medical Center ang mga sugatan na nakilalang sina Jessie Lazaro, Romelia Caruna, Perla Arugay, Reynalin Mariano, isa pang 16-anyos at ang driver ng tricycle na si Rondy Paguigan, 24, ng Brgy. Calamagui.

Sa imbestigasyon, nakisakay umano ang mga biktima sa behikulo ni Paguigan na noon ay papuntang bayan para magpagiling ng palay subalit nang pabalik na ay nawalan ng kontrol sa manibela ang driver sa paliko at pababang ba­hagi ng kalsada at sa dami na rin nilang nakasakay dakong alas-6 ng gabi.

Dahil dito, bumaliktad umano ang sasakyan at tumama sa konkretong railings ang mga tumalsik na biktima at napuruhan sa ulo ang dalawa sanhi ng ka­nilang kamatayan.

Mabilis namang isi­nugod sa nasabing paga­mutan ang anim na nasugatan sa iba’t ibang ba­hagi ng kanilang kata­wan.

vuukle comment

CAGAYAN VALLEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with