^

Bansa

Suspension ng driver-only ban sa EDSA ikinatuwa ng mga senador

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Suspension ng driver-only ban  sa EDSA ikinatuwa ng mga senador
Ipinadala kahapon ng Senado ang kopya ng Senate Resolution na humihikayat sa MMDA na ikonsidera ang pagbabawal sa mga sasakyan na dumaan sa EDSA kung driver lamang ang sakay.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Natuwa ang mga senador sa ginawang pagsuspinde ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang driver-only ban sa EDSA.

Ipinadala kahapon ng Senado ang kopya ng Senate Resolution na humihikayat sa MMDA na ikonsidera ang pagbabawal sa mga sasakyan na dumaan sa EDSA kung driver lamang ang sakay.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, nagpapasalamat sila katulad din ng mara­ming motorista sa suspensiyon.

Sinabi pa ni Sotto na dapat linisin muna ang mga lansangan mula sa mga iligal na nakaparadang sasakyan bago subukan muling ipatupad ang kautusan.

“Once they clear the city streets of Metro Manila of parked vehicles then they can try implementing that,” sabi ni Sotto.

Ayon naman kay Sen. Grace Poe, dapat ay pag-isipang mabuti ang mga plano at dapat ang mga polisiya ay praktikal at maaari talagang ipatupad. 

Naniniwala rin si Poe na hindi na kailangan pa ng mga bagong polisiya. Ang kailangan lamang ay istriktong ipatupad ang mga kasalukuyang batas.

“Probably, we don’t need new policies, just strict implementation of existing laws and regulations. Mag-public consultation muna kayo,” sabi ni Poe.

Dapat din aniya na masusing pag-isipan ng MMDA ang mga kampanya upang hindi pu­malpak.

Tinawag ding “good news” ni Sen. Ralph Recto ang suspensiyon na naging ugat para magpasa ng isang re­solusyon ang mga senador.

Idinagdag ni Sotto na kung ang nais ng MMDA ay mahikayat ang carpooling, dapat ay magtalaga ng isang car pool lane pero hindi dapat i-ban ang mga sasakyan na driver lamang ang sakay.

Sina Sotto, Recto, Senate Minority Leader Franklin Drilon at Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang naghain ng resolusyon na pinagtibay naman ng Senado.

vuukle comment

DRIVER-ONLY BAN

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with