^

Bansa

Digong malakas pa sa kalabaw - Bong Go

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Digong malakas pa sa kalabaw - Bong Go
Sinabi ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, baka mas malusog pa si Pangulong Duterte sa mga nagdududa sa kalusugan nito.
Presidential Photo

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Mala­cañang na nasa maayos na kondisyon ang kalusugan ni Pangulong Duterte at kayang harapin ang anumang hamon dahil mas malakas pa ito sa kalabaw.

Sinabi ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, baka mas malusog pa si Pangulong Duterte sa mga nagdududa sa kalusugan nito.

Ayon kay SAP Go, napakalakas ng Pangulo “mentally at physically” sa kabila ng dami ng ginagawa nito para sa taumbayan.

Binigyang-diin ni Go na ka­yang kaya ng Pangulo na tapusin ang kanyang termino  kahit sinasabi niyang napapagod na siya.

Ipinaliwanag pa ni Go na ang ibig sabihin ng Pangulo kapag sinasabi niyang napapagod sya ay nasasaktan siya sa kabila ng mga pagsisikap ay hindi natatapos ang problema ng korapsyon sa pamahalaan.

Iginiit pa ni Go na halos hindi na nagpapahinga ang Pangulo dahil sa determinasyon niyang maisakatuparan ang pangako niyang paglilinis sa pamahalaan mula sa korapsyon, pagsugpo sa kriminalidad at ang hindi matapos tapos na illegal drugs.

Kaugnay nito, nanawagan si SAP Go sa lahat na tulungan ang Pangulo sa kanyang reporma kung saan wala siyang pakialam sa mga masasaga­saan niya basta para sa ikabubuti ng  taumbayan.

Samantala, maging si Health Sec. Francisco Duque III ay naniniwala na nasa ‘pink health’ si Pangulong Duterte.

“Every time I attend the Cabinet meetings of the President ‘no, ang masasabi ko lang, he is full of life, very active, very sharp and obviously, it does not suggest na parang may problema sa kaniyang kalusugan. Ang masasabi lang natin, mukhang malakas si Presidente. At nakikita mo naman, he is almost everywhere all the time,” paliwanag pa ni Sec. Duque sa media briefing kahapon.

“So kami nga ang medyo parang nanghihina pa kung titingnan ko bilang isang doktor iyong mga ibang miyembro ng Gabinete. Pero si Presidente tuwid na tuwid ang tayo at kapag nagsasalita at nagbibigay ng kaniyang mga utos ay talagang makikita mong masiglang-masigla,” dagdag ng DOH chief.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with