^

Police Metro

Remulla: Atong Ang, nakalabas na ng Pinas

Angie dela Cruz - Pang-masa
Remulla: Atong Ang, nakalabas na ng Pinas
Charlie “Atong” Ang files criminal charges before the Mandaluyong City Prosecutor's Office on July 3, 2025 against Julie “Dondon” Patidongan and Alan Bantiles for false accusations related to the case of missing sabungeros.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni DILG Secretary Jonvic Remulla na nakalabas na ng Pilipinas ang gambling tycoon na si Charlie “Atong” Ang.

Ayon kay Remulla, dumaan si Ang sa backdoor” o sa mga di-opisyal na ruta para makatakas palabas ng bansa.

Tumanggi naman si Remulla na magbigay ng karagdagang impormasyon kung kailan eksaktong umalis si Ang at kung saan ito nagtungo upang hindi maapektuhan ang nagpapatuloy na imbestigasyon.

Si Ang ay patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad kaugnay ng mga kasong kidnapping with homicide at kidnapping and serious illegal detention may kinalaman sa missing sabungero.

Noong Enero 2026, nagpalabas ng arrest warrant ang Regional Trial Court (RTC) Branch 26 sa Sta. Cruz, Laguna Judge Mary Jean T. Cajandab-Ong laban kay Ang at sa mga kasamahan nito para sa mga kasong kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention na hindi maaaring piyansahan.

Karamihan sa mga kapwa-akusado ni Ang ang ilang tauhan at mga pulis ay naaresto na at nasa kustodiya na ng mga otoridad.

Si Ang na lamang ang natitirang pugante sa mga pangunahing akusado sa kaso.

Una nang nag-alok ang DILG ng P10-milyong pabuya para sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon na magiging dahilan ng pag-aresto kay Ang.

Bagamat walang rekord sa Bureau of Immigration (BI) na lumabas si Ang ng bansa nang legal, iniimbestigahan na ng DILG ang mga ulat na maaaring gumamit siya ng “backdoor” at nagtatago sa Cambodia o Thailand.

Mayroon ding mga ulat na maaaring nagtatago pa rin si Ang sa ilang lugar sa Pilipinas tulad sa Cavite o iba pang mga pagmamay-ari niyang ari-arian sa Metro Manila at CALABARZON.

JONVIC REMULLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with