^

PSN Opinyon

Nilagang kamote ay napakasustansya

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Napakaraming benepisyo na makukuha mula sa pagkain ng kamote (sweet potato). Mabuti ito para sa puso, mata, tiyan, diabetes at nagpapapayat. Mura rin ito at mabibili sa buong taon.

1. May beta-carotene or provitamin A para sa mata, puso, pagbabara ng ugat at kakulangan ng daloy ng dugo sa mga ugat ng puso at ulo, at sa immunity.

2. Nababagay ang kamote sa may diabetes dahil mababa sa glycemic index kaya dahan-dahan magpataas ng asukal sa dugo. Pwede rin sa mga atleta, may mabigat na trabaho o nagpapagaling sa may sakit.

3. Ang kamote ay bagay sa nagpapapayat dahil mababa sa calories, matagal na busog kaya hindi ka ma­kakakain ng marami.

4. Meron protease inhibitor na maaring makatulong sa pag-iwas ng kanser.

5. Meron iron at vitamin C pinagsama na sa isang gulay.

6. Sa may kidneys stones, may calcium oxalate ang kamote kaya ingat na huwag marami kainin.

7. Maganda sa tiyan ang kamote dahil tumutulong sa pagbuhay ng healthy bacteria sa tiyan tulad ng Bifidobacte­rium at Lactobacillus na bagay sa makulo ang tiyan at pagtatae.

DOC WILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with