^

PSN Opinyon

Dry eyes: Parang may puwing lagi

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang dry eyes o panunuyo ng mga mata ay karaniwang sakit lalo na sa nagkakaedad.

Karaniwang sintomas ng dry eyes:

1. Masakit at mahapdi sa pakiramdam, parang may puwing lagi.

2. Pagkakaroon ng iritasyon sa usok at hangin.

3. Pagkapagod ng mga mata, pagkatapos magbasa.

4. Pagiging sensitibo sa ilaw.

5. Pagluluha

6. Malabong paningin lalo na kung gabi.

Payo para mabawasan ang panunuyo ng mga mata:

1. Subukan bumili ng mga over-the-counter na artificial tears pang-dry eyes. Huwag gumamit ng mga eye drops na pang-alis ng pamumula (mapapalala nito ang sintomas).

2. Iwasan ma-expose ang mga mata sa nakatutok na hangin tulad ng electric fan, air condition o heater. Huwag i-direkta sa mata ang hair dryers.

3. Ang sadyang pagkurap-kurap ng mga mata ay nakatutulong para kumalat ang mga luha sa palibot ng mata.

4. Iwasan kusutin ang mga mata.

5. Magsuot ng mga sunglasses sa tuwing mahangin sa labasan. Kung may plano mag-swimming, gumamit ng goggles.

6. Huwag manigarilyo at iwasan makalanghap ng amoy ng sigarilyo. Iwasan ang iba’t-ibang uri ng usok, tulad ng polusyon, pag-ihaw at pag-siga.

Kumonsulta sa iyong doktor kung patuloy ang paglala ng kondisyon ng mga mata. Ang iyong doktor sa mata (oph­thalmologist) ay maaaring magreseta ng iba pang gamot.

DRY EYES

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with