^

PSN Opinyon

Mga dahilan ng sakit ng ulo

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ITO ang mga pinakamadalas na nararamdaman ng mga pasyente.

1. Ang mga dahilan ng sakit ng ulo ay stress, depresyon, kaba, tension, lungkot, pag-aalala at galit.

2. Sumasakit din ang ulo kung nakakuba o poor posture, hindi aligned ang gulugod o spine, matigas ang mga masel sa balikat at arthritis. Kungmay rayuma sa buto ng leeg at pagtigas ng panga o TMJ ay sasakit din ang ulo.

3. Sa migraine headache, ang mga pagkain na may tyramine ay maaaring magdulot ng sakit ng ulo tulad ng cocoa, tsokolate, keso, soy products, toyo, alak, msg o vetsin, caffeine, preserved na karne na may nitrites gaya ng hotdogs, bacon, pepperoni.

4. Ang iba pang dahilan ng sakit ng ulo ay low blood sugar, pagdi-diyeta, pagpuyat o kulang sa tulog, sobrang pagtatrabaho o sobrang ehersisyo.

5. Nakakasakit ng ulo ang pag-iiba ng klima o weather na kung minsan ay sobrang init o sobra naman lamig.

6. May mga gamot na kadalasan mayroong side effect kasama ang pagsakit ng ulo.

7. Kung bago o habang may regla at menopause.

8. Ang High blood pressure ay nakakasakit din ng ulo.

9. Lagnat o kaya naman nauntog.

10. May mga taong may irritants sa ilong tulad ng pabango, thinner, pintura, at rugby.

Kumonsulta sa Neurologist na doktor kung sobra ang sakit ng ulo, sobrang hilo, nagsusuka, walang balanse, may mataas na lagnat, at kung nawalan ng malay.

PASYENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with