^

PSN Opinyon

Tutuli (ear wax): May nakabara sa tainga

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

“Huwag maglagay ng kahit anong bagay sa iyong tainga.” Ito ang pangunahing payo ng mga doktor. Huwag maglagay ng cotton buds o toothpick sa loob ng iyong tainga. Kung gustong maglinis ng tainga, hanggang bimpo lang ang pu­wedeng gamitin.

Anong gagawin sa tutuli?

May 2 klase ng tutuli ang tao. Ang una ay iyung tuyo at maputing tutuli. Ang pangalawa ay iyung basa at ma­dilaw na tutuli.

Ang trabaho ng tutuli ay para protektahan ang ating eardrum sa dumi. Hinaharang ng tutuli ang mga duming pumasok sa ating tainga, at unti-unti itong lalabas ng kusa sa tainga. Dahil dito, hindi naman talaga kailangan nang maglinis ng tainga.

Kung mangyari na bumara ang iyong tutuli, medyo mabibingi ka.

Huwag gumamit ng cotton buds at baka lalong pumasok ang tutuli sa loob ng tainga. Ang delikado pa rito ay baka mabutas mo ang iyong ear drum. Tandaan: Ang butas na eardrum ay maaaring hindi na maghilom. Mabibingi at mag­kakaluga pa ang iyong tainga.

Paano ginagamot ang baradong tutuli?

Una sa lahat, kumonsulta sa isang ENT (Ear, Nose and Throat) doktor bago gawin itong mga tips.

1. Puwedeng magpatak ng mineral oil o baby oil sa apek­tadong tainga. Kung may pera, puwedeng bumili ng Docusate sodium ear drops na pinapatak sa tainga. (Tandaan: Huwag gawin ito kung may tyansa na butas ang iyong eardrum.)

2. Humiga sa iyong tagiliran ng 20 minutos para manuot ang likido sa tumigas na tutuli.

3. Gawin ito 2 beses sa maghapon hanggang 3 araw. Hantayin na matanggal ang tutuli ng kusa.

Dagdag payo para maprotektahan ang tainga:

1. Hinaan ang volume ng iPod, radyo o stereo.

2. Huwag lumapit sa speaker sa concert.

3. Takpan ang tainga kung maingay ang lugar.

4. Huwag maligo sa dagat at maduming swimming pool.

5. Tuwalya lang ang puwedeng panlinis ng tainga.

DOC WILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with