^

PSN Opinyon

Mahapdi ang sikmura: Saging at tinapay ang lunas

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Lahat tayo ay nakararamdam ng paghapdi ng sikmura. Kapag nalipasan tayo ng pagkain o dili kaya ay na-stress sa trabaho, parang makulo ang ating tiyan. Naglalabas kasi ng sobrang acid kaya humahapdi ang sikmura. Ang tawag dito ay gastritis o hyperacidity at kung lumala ay puwedeng maging ulcer.

Hindi lang gamot ang solusyon sa paghapdi ng sikmura. Sa aking pananaw, mas maigi ang pagkain ng wasto:

1. Kumain sa tamang oras (small, frequent meals).

Kumain ng pakonti-konti pero madalas sa isang araw. Halimbawa, kumain ng alas-7 ng umaga. Mag-saging ng alas-10. Mag-lunch ng kaunti lang. Magmerienda ng tinapay sa alas-4 ng hapon. Mag-dinner ng alas-7 ng gabi. Kahit busy ka sa trabaho, huwag kalimutang kumain sa oras. Ingatan ang tiyan.

2. Saging at tinapay ang lunas.

Napaka-healthy ng saging. Bukod sa madaling baunin at kainin, ang saging ay parang gamot na rin dahil natatapalan nito ang ating sikmura. Ang pandesal din ay maayos sa sikmura at nakakabusog pa. Araw-araw, saging at pandesal ang baon ko kapag maingay ang sikmura ko.

3. Uminom ng tubig pakonti-konti.

Malaki ang naitutulong ng pag-inom ng tubig sa pag­linis ng acid sa tiyan. Ang tamang pag-inom ay ang paglagok ng konting tubig bawat 20 minutos. Sa ganitong paraan, mahuhugasan at malilinis ang acid sa tiyan.

4. Umiwas sa pagkaing nakakahapdi ng tiyan. Umiwas sa maasim at maanghang (spicy).

May mga pagkaing sad­yang nakahahapdi ng tiyan. Umiwas sa mga sobrang spicy na pagkain. Ang sili, kalamansi, suka, sinigang na sobrang asim at pineapple juice na puro ay puwedeng magdulot ng paghapdi ng sikmura. Ang sobrang lamig na inumin ay nakakairita rin ng tiyan.

Sa aking palagay, hindi na kailangan ng gamot sa ordinaryong paghapdi ng sikmura. Kumain na lang ng mga pagkaing ikaka-relax ng ating tiyan, tulad ng saging, tinapay, kanin, lugaw at gulay. At mag-relax din kaibigan habang kumakain para hindi ma-stress ang ating katawan.

* * * * *

Huwag magpaka-busog

Ang pagkain ng labis ay nagdudulot nang masamang epekto dahil nahihirapan ang ating katawan na tunawin ito. Dodoble ang trabaho ng ating atay, pale (pancreas) bato at puso dahil sa sobrang pagkabusog. Tataas din bigla ang ating asukal sa dugo (blood sugar). Kapag labis ang kinain mong karne, marami ring dumi (na kung tawagin ay “free radicals”) ang ilalabas nitong mga pagkain.

Kaya ipinapayo ng eksperto ang pagkain ng “high nutrient at low calorie diet.” Ang ibig sabihin ay mataas sa nutrisyon ang iyong dapat kainin pero mababa naman sa calorie. Para matupad ito, subukang kumain nang mas mara­ming gulay, isda, prutas, beans at soy products (tofu, taho, tokwa).

Bawasan ang pagkain ng karneng baka at baboy, mata­tamis na inumin, at matatabang pagkain. Medyo limita­han din ang pagkain ng kanin (mga kalahati o 1 tasang kanin lang bawat kainan), pero damihan na lang ang gulay at prutas. Kung mababawasan mo lang ng 10% ang iyong kinakain ay pupuwede na.

Ang isa pang kasabay na payo ay ang pagkain ng 5-6 na beses sa isang araw, pero pakonti-konti lang. Ang isang saging, man­sanas o pandesal ay puwedeng pang-meryenda na.

Sa ganitong paraan, dahan-dahan ang pagpasok ng nutris­yon sa katawan. Mas maginhawa ito sa mga organ ng ating katawan. At marahil dahil dito, kaya humahaba ang buhay ng mga taga-Okinawa. Gayahin natin sila. Huwag magpakabusog.

* * * * *

Paggising sa umaga, gawin ang 6 bagay

Marami ang naaksidente sa umaga. Lalo na sa bagong gising. Puwede mahilo at bumagsak dahil hindi pa ganoon ka-“gising” ang iyong katawan. Puwedeng manhid pa ang paa at wala kang balanse sa paglalakad.

Sundin itong mga payo para ligtas at malusog.

1. I-handa na ang gamit at damit para sa kinabukasan bago matulog. Para makatulog ng mahimbing.

2. Paggising sa umaga, magpasalamat sa Diyos. Dahil marami ang hindi na nagigising. Sabi nga, “Every gising is a blessing.”

3. Paggising huwag tumayo agad at baka mahilo. Dahan-dahan lang. Umupo muna ng 1 minuto at mag-stretch ng leeg at balikat. Ang biglang pag-upo at paggalaw ng ulo ay puwede magdulot ng vertigo o pagkahilo. Mayroon din nag-collapse at nagdilim ang paningin sa big­lang pagtayo, dahil nagkulang ng dugo sa ulo sa pagbaba ng blood pressure. Mag-ingat po.

4. Umupo sa inidoro habang umiihi, kahit sa mga lalaki. Baka antok ka pa at bigla kang bumagsak, mahilo o mag-collapse. May tinatawag na “micturition syncope” kung saan nag-collapse ang tao habang umiihi. Puwede ito mangyari.

5. Uminom ng 2 basong maligamgam na tubig bago mag-almusal. Para luminis at maihi ang dumi sa katawan. Turo ito ng Japanese water therapy.

6. Maging positibo na magi­ging maganda ang iyong araw. Mag-expect na may darating na biyaya sa iyo. God bless po.

SIKMURA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with